4th Cagayan Valley Rescue Jamboree Rescue March and Mogadishu Walk

Kasalukuyang isinasagawa ng mga kalahok sa pangalawang araw ng 4th Cagayan Valley Rescue Jamboree na ginanap sa Minanga, Gonzaga, Cagayan ang “RESCUE MARCH” o Mass Assembly for Rescue and Care for Humanity at “Mogadishu Walk” ngayong Martes, Pebrero 25, 2025.
Ang kasalukuyang rescue jamboree ay dinaluhan ng mahigit isang libong kalahok mula sa iba’t ibang probinsiya sa Region 2 maging sa mga lalawigan sa Region 1 at Cordillera Administrative Region (CAR).