Patuloy na nararanasan ang epekto ng Hanging Amihan sa hilagang Luzon ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Batay sa monitoring ng Northern Luzon PAGASA Regional Services Division, maulap na kalangitan na may mga mahihinang pag-ulan ang posibleng maranasan ngayong Lunes sa Cagayan kasama na ang ibang lalawigan sa Rehiyon dos dahil sa Amihan.
Sa mga baybaying-dagat ay posibleng magiging katamtaman hanggang sa maalon na dulot ng Amihan kaya pinag-iingat ng PAGASA ang mga maglalayag.
Patuloy namang minomonitor ng PAGASA ang “strong El Niño” na ngayon ay bahagya nang humina.
Samantala, Easterlies o hangin na nagmumula sa karagatang Pasipiko ang nakaaapekto naman sa ibang lugar sa bansa.
Sa ngayon, walang minomonitor na Low Pressure Area (LPA) sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).