BFP, NAGPAALALA SA PUBLIKO NA MAGING RESPONSABLE KASUNOD SA NANGYARING GRASS FIRE SA AMULUNG, CAGAYAN

Nagbabala ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa publiko na maging responsable sa pagsusunog at pagtatapon ng mga upos ng sigarilyo na maaaring magbunsod ng insidente ng sunog.

Ito ay kasunod ng nangyaring grass fire sa Brgy. Nabialan, Amulung, Cagayan nitong ika-27 ng Pebrero, 2024 na nagresulta sa pagkakatupok ng mga damo sa halos tatlong ektaryang lawak ng lupain.

Sa pagsisiyasat ng BFP-Amulung, itinapong upos ng sigarilyo ang naging sanhi ng grass fire.

Base sa datos, walang naiulat na nasaktan at lubhang nasirang mga ari-arian sa nangyaring insidente.

Ayon sa mga otoridad, kusang namatay ang apoy ngunit hinihikayat ang publiko na maging alerto at makipag-ugnayan sa pinakamalapit na himpilan ng BFP kung sakaling may magaganap na sunog upang agad itong maapula.