Ipinag-utos ng Cagayan Valley Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (CVRDRRMC) ang paglikas sa mga residente na nakatira malapit sa mga baybaying dagat sa rehiyon.
Ito ay kasunod ng tsunami alert na inilabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs-DOST) dahil sa naramdamang 7.5 lindol sa Taiwan ngayong umaga ng Miyerkules.
Sa memorandum order no. 39 series of 2024 na inilabas ng Cagayan Valley RDRRMC, inaatasan ang lahat ng member ng council na makipag-ugnayan sa mga Local Government Unit (LGU)sa mga coastal area na magsagawa ng paglilikas sa mga residente.
Ayon sa Cagayan Valley RDRRMC, isasagawa ang paglikas hanggang 11:00am ngayong Miyerkules bilang pag-iingat sa mga residente.
Sa ngayon, kasalukuyan ang ginagawang pagpupulong ng council para sa gagawing hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.