HANGING AMIHAN, POSIBLENG MULING IIRAL SA MGA SUSUNOD NA ARAW-PAGASA

Posibleng muling iiral at maramdaman ang epekto ng hanging Amihan sa mga susunod na araw sa hilagang Luzon ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon sa PAGASA, unti-unting umiihip ang hangin na dala ng Amihan sa bahagi ng Taiwan at bumababa sa bahagi ng Hilagang Luzon.

Mararamdaman umano ang epekto ng Amihan sa hilagang Luzon sa mga susunod na araw na posibleng magtagal hanggang sa susunod na linggo.

Sa ngayon, Easterlies o hangin na nagmumula sa karagatang Pasipiko ang patuloy na nakaaapekto sa Cagayan at malaking bahagi ng bansa.

Kaugnay rito, mainit na panahon pa rin ang posibleng maramdaman kung saan batay sa pagtaya ng panahon ng PAGASA ang lungsod ng Tuguegarao ngayong Biyernes ay nasa 24-34 degrees Celsius

Wala namang binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).