Opisyal nang tinanggal ng Department of Science and Technology (DOST) Philippine institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang Tsunami Warning na unang inilabas kaninang 7:58 ng umaga matapos tumama ang 7.5 magnitude na lindol sa Taiwan.
Sa Tsunami Information No. 02 ng PhiVolcs na inilabas kaninang 10:33 ng umaga opisyal ng tinanggal ang warning matapos makita na wala umanong sea level disturbance sa mga coastal area.