Hindi alintana ng mga kawani ng Task Force Lingkod Cagayan-Quick Response Team (TFLC-QRT) ang init ng panahon makapagbigay-tulong at serbisyo lamang sa kapwa Cagayano.
Ngayong Miyerkules, Abril 17, 2024, magkakasunod na tinulungan ng mga rescuer ang apat na pasyente para madala at masundo sa pagamutan.
Ayon sa tanggapan ng TFLC-QRT, pasado alas sais kaninang umaga nang humingi ng tulong ang pamilya ng isang pasyente na iuwi ang kanilang kaanak na hindi kayang maglakad sa kanilang tahanan sa Barangay Caggay, Tuguegarao City na agad naman nilang tinugunan.
Sumunod dito ang isa pang pasyente na dinala naman sa pagamutan kaninang 9:40 am na sinundan ng isa pang pasyente kaninang 10:30am na kailangang iuwi pauwi sa kanilang bahay sa Barangay Pallua, Tuguegarao City.
Isang stroke patient naman ang kanilang inihatid kaninang 11:16 am sa isang hospital para sa kanyang check-up at tinulungan ding makabalik ng kanyang tahanan.
Ayon sa mga rescuer, hindi hadlang para sakanila ang init ng panahon para tumulong sa mga nangangailangan sa probinsya ng Cagayan.
Ang TFLC-QRT ay nabuo nang maupo si Governor Manuel Mamba para may agarang tutulong sa mga nangangailangan lalo na sa panahon ng kalamidad at sakuna.
Sa ngayon, mayroon ng walong station ang TFLC-QRT na matatagpuan sa Tuguegarao City, Amulung, Lal-lo, Ballesteros, Sanchez Mira, Gonzaga, Tuao at Aparri.