Posibleng makaaapekto at maramdaman ngayong linggo sa probinsya ng Cagayan ang umiiral Hanging Amihan ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Ayon sa PAGASA, ngayong Lunes, Pebrero 26, 2024 maulap na kalangitan na may mahihinang mga pag-ulan ang mararanasan sa Cagayan maging sa Batanes Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, at Aurora dahil sa Amihan.
Patuloy umanong mararamdaman ang epekto ng Amihan ngayong linggo kung kaya’t posible ang malamig na gabi ngunit mainit na tanghali.
Sa pagtatapos ng buwan ng Pebrero ayon sa PAGASA, walang namomonitor na Low Pressure Area (LPA) sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Wala ring nakataas na Gale warning kung kaya’t malayang maglayag ang mga sasakyang pandagat ngunit pinag-iingat pa rin ang mangingisda dahil sa minsanang malalakas na pag-alon.
Samantala, Easterlies o hangin na nagmumula sa dagat Pasipiko ang nakaaapekto naman sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.