TIYANSA NG PAG-ULAN SA HILAGANG LUZON NGAYONG ARAW, MABABA PA RIN- PAGASA

Mababa ang tiyansa ng pag-ulan sa Hilagang Luzon ngayong Miyerkules, Pebrero 21, 2024 ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon sa PAGASA, Easterlies o hangin na nagmumula sa karagatang Pasipiko ang patuloy na umiiral sa malaking bahagi ng Luzon.

Ngayong araw, batay sa pagtaya ng PAGASA, ang lungsod ng Tuguegarao ay makararanas ng 21-34 degrees Celsius.

Samantala, walang binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) kung kaya’t posible ang maaliwalas na panahon hanggang sa araw ng Sabado.

Wala ring nakataas na Gale warning sa mga baybayin ng Hilagang Luzon ngunit pinag-iingat pa rin ang publiko sa pagpalaot dahil sa posibleng katamtaman hanggang sa maalon na karagatan.